Pangarap
- Lora
- Mar 26, 2018
- 1 min read
Sa liriko ng kanta
na aking napakinggan,
"Pangarap ka nalang ba,
o magiging katotohanan pa?"
Ako'y nagtatanong
kung bakit nagkaganon.
Ang pangarap na dati'y inaasam,
nakamtan nang hindi inaasahan.
Mga palad ay nagtagpo,
mga labi ay nagdikit
sa isang iglap ng aking pagpikit,
sinabi mong pangarap ako sa iyong paningin.
Ang aking pangarap,
ako rin pala ay pinapangarap.
Sa ating paghaharap,
bawat sandali ay nilalasap.
Pag-ibig na hinahanap,
sa isat-isa'y nahanap.
Ngunit tila ang pangarap ay gumuguho
sa mga sandaling tayo ay nagtatalo.
Ang mga pusong noo'y nagdikit
ngayon humihina ang kapit.
Tanong ko'y paanong nagkaganon,
bawat saglit ay tila nanghahamon
at ang panahon ay tila nanglalamon
sa matinding alon ay ayaw magpaahon.
Tila ba ang aking pangarap
ay magiging isa na lamang panaginip
sapagkat walang kayang makapagsagip
dahil pati ika'y nahahagip.
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa?
parang tila ako ay hindi na aasa
sa mga sandaling tayo ay liligaya
sapagkat panaginip lamang pala ang aking pag-asa
na ikaw at ako, sa habang buhay ay magsasama.
Paalam, aking pangarap....

Comments